Marcos administration, naglaan ng pondo para sa paglikha ng satellite na gawang Pilipino

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-develop ng satellite na gawang Pilipino ito ay ang Multispectral Unit for Land Assessment o MULA Satellite.

Sa ginawang pagpupulong sa Malacañang kasama ang mga opisyal ng Philippine Space Agency, sinabi ng pangulo na excited siya sa gagawing MULA Satellite at ang paglulunsad nito sa taong 2025.

Ang satellite na ito ay lilikhain ng mga Pilipinong engineer mula sa Philippine Space Agency o PHILSA.


Ito ay makatutulong para mapahusay ang maritime domain awareness at ang 24 oras na monitoring at security evaluation sa buong Pilipinas.

Ang MULA Satellite ay kayang makita ang 73 libong square kilometers ng Pilipinas sa loob ng 24 oras, para sa pangangalap ng data sa lupa, himpapawid at, karagatan na sakop ng teritoryo ng bansa.

Sa sandaling mapakawalan na sa kalawakan at mag-orbit ito ay kayang ma-detect ng MULA satellite ang kalidad ng hangin at tubig, matukoy kung saang mga parte ng karagatan ang sagana sa mga isda, kayang mag-zoom in para sa sitwasyon ng trapiko sa mga lunsod at urban centers at kayang tumukoy ng presensiya ng mga barko sa territorial waters ng Pilipinas.

Ang pondo sa MULA Satellite ay kasama sa 2023 National Expenditure Program (NEP) na kapag inaprubahan ng Kongreso makasama na ito sa pondo para sa susunod na taon.

Facebook Comments