Marcos administration, namahagi ng land titles sa Agrarian Reform Beneficiaries sa Western Visayas

Nasa 1, 500 Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs sa Western Visayas ang pinagkalooban ng Marcos administration ng titulo ng lupa na sumasaklaw sa tinatayang mahigit 1, 600 ektarya ng lupain.

Batay sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office ay pinangunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) at e-titles sa mga benepisyaryo.

Ayon kay Estrella, ang nabanggit na aktibidad ay alinsunod sa deriktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na bilisan ang pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka.


Umapela naman si Estrella sa mga benepisaryo na huwag ibenta ang lupang bigay sa kanila ng pamahalaan sa loob ng 10 upang hindi ito bawiin ng DAR.

Sabi ni Estrella, nais din ni Pangulong Marcos na pag-igtingin ang suporta sa Agrarian Reform Beneficiaries tulad ng makinarya at mga kagamitan sa pagsasaka.

Binanggit naman ni Estrella na nakikipag-ugnayan na rin ang DAR sa iba pang ahensya ng pamahalaan, tulad ng Department of Health at sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ayon kay Estrella, ito ay para naman sa planong pagbibigay ng scholarship sa anak ng Agrarian Reform Beneficiaries.

Facebook Comments