Bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Central Luzon para pangunahan ang pagpapasinaya ng mga proyekto para sa irigasyon.
Pinuntahan ng pangulo ang lalawigan ng Lupao, Nueva Ecija ngayong alas-9 ng umaga at pinangunahan ang inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project.
Sa talumpati ng pangulo, sinabi nitong ang bagong proyekto ay bahagi ng patuloy na effort ng gobyerno para mapaangat ang sektor ng agrikultura partikular ang pagpaparami ng rice production sa Nueva Ecija na pangunahing pinagkukunan ng bigas ng buong bansa.
Sinabi pa ng pangulo na ang proyektong ito patunay sa commitment ng kanyang administrasyon para ma-develop ang modern infrastructure system ng magpapaganda ng sektor ng agrikultura.
Ayon pa sa pangulo, kapag natapos ang pinasinayaang Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project ay magbibigay ito ng patubig sa halos 1000 ektaryang sakahan sa Brgy Balbalungao, San Isidro, Salvacion, Sto. Niño at Mapampang.
Magbebenepisyo rito ayon sa pangulo ang 562 mga magsasaka.