Tiniyak ng Marcos administration na nanatiling proactive ang gobyerno sa epekto ng climate change phenomenon.
Sa katunayan dumalo sa ginanap na United Nations 2023 Water Conference in New York nitong March 22 hanggang March 24 si Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.
Sa speech ng kalihim sa ginanap na conference, sinabi nitong mahalagang nakiisa ang Pilipinas sa UN 2023 Water Conference dahil sa unang pagkakataon ay nagpahayag ang UN member patungkol sa tubig, climate change, biodiversity, disaster risk at human development.
Ito rin ang unang pagkakataon na isinagawa ang water conference simula pa noong taong 1977.
Kaugnay nito, binigyang diin pa ng kalihim ang pangangailangang magkaroon ng ng nexus government, bansang may climate at disaster resilience na sinisikap na isulong ang strategic balance sa pagitan ng supply at consumption ng water para sa kalusugan, pagkain at environmental security ng bansa.
Ipinunto pa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) official sa kanyang speech sa conference na kapag nakamit ang sapat at maayos na access sa malinis na tubig at sanitation services ito ay magreresulta ng sustainable development.
Mahalaga rin ayon sa kalihim na naka-align ang mga water relates policies at actions ng mga Local Government Units (LGU) sa Philippine development plan.
Ayon pa kay Secretary Loyzada, na batay sa isang pag-aaral, pang apat ang Pilipinas sa buong mundo na lubhang apektado ng water related disasters.
20 bagyo kada taon aniya ang inaasahang pumapasok sa bansa na nagdudulot ng pagbaha at water borne diseases.
Kaya naman ayon sa kalihim mahalaga na nakikiisa ang Pilipinas sa ganitong mga international event.