Marcos administration, patuloy na isusulong ang investment sa Pilipinas para makalikha ng mas maraming trabaho

Tiwala ang economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling malakas at matatag ang labor market ng bansa sa harap ng inflationary pressures.

Ito ang sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno matapos ng report ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Agosto.

Sinabi ng kalihim, patunay ito na gumagana ang mga hakbang ng gobyerno sa reform agenda gaya ng pag-apruba sa Public-Private Partnership (PPP) Act at Trabaho Para Sa Bayan Act.


Dagdga pa ng kalihim ang PPP Act ay magpapadali sa pagpapatupad ng mga proyekto habang ang Trabaho Para sa Bayan Act ang tutugon sa kinakailangang skills ng mga manggagawang Pilipino para mapataas ang dami ng trabaho sa Pilipinas.

Binigyan diin ni Diokno na patuloy na isusulong ng administrasyon ang pamumuhunan sa bansa para dumami pa ang malikhang trabaho para sa mga Pilipino.

Mamadaliin din aniya ang paggugol ng pamahalaan sa mga natitirang buwan ng taon para maisagawa ang mga imprastrakturang may mataas na multiplier effects.

Facebook Comments