Nakiisa ang Malakanyang sa paggunita ng International Day for Disaster Risk Reduction kahapon.
Sa pakikiisa, siniguro ng Office of the Press Secretary na committed ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng napapanahon at tamang impormasyon sa panahon ng emergency at sakuna.
Sumasang-ayon ang OPS na dapat mabilis ang mga impormasyon tuwing may kalamidad upang maagap ang pagbibigay ng babala sa mga tao at maiwasan ang pagbubuwis ng buhay.
Naging target ng United Nations General Assembly sa taunang International Day for Disaster Reduction na isulong ang disaster risk reduction sa buong mundo.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang pagpapataas ng access sa early warning systems at disaster risk information and assessment.
Facebook Comments