Marcos administration, sisikaping mapababa pa ang antas ng kahirapan sa bansa

Magpupursige ang Marcos administration na mapababa pa ang antas ng kahirapan sa bansa.

Reaksyon ito ng Palasyo matapos ang inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA na bumaba sa 16.4 percent sa unang quarter ng 2023 mula sa 18.0 percent na kaparehong buwan noong 2021 ang poverty incidence sa bansa.

Ibig sabihin nito ayon sa Presidential Communications Office ay 230,000 households ang nakawala na sa kahirapan.


Kung pag-uusapan naman ang population, poverty incidence mula 23.7 percent bumaba ito 22.4 percent, ibig sabihin 895,260 ang nabawas na mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang dahilan ng pagbabang ito ng antas ng kahirapan ay dahil sa pag-alis na ng lahat ng COVID-19 restrictions sa buong bansa simula 2022.

Dagdag pa ni Balisacan, nakatulong ang isinagawang tulong ng pamahalaan gaya ng Targeted Cash Transfer Program, fuel subsidy, one-time rice allowance, at ang Libreng Sakay Program lalo na sa mga mas mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments