Marcos administration, tiniyak na nakatutok sa pangangailan ng mga nasa vulnerable sector

Siniguro ng Marcos administration na nakatutok ang pamahalaan sa mga higit na nangangailangan o vulnerable sectors.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni National Anti-Poverty Commission o NAPC Secretary Lope Santos III na isa sa mga prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos ay ang mga mahihirap na sektor, kabilang ang mga magsasaka para matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sinisikap aniya ng gobyerno na mapababa ang presyo ng mga bilihin at mapaganda ang kita ng mga magsasaka sa bansa.


Nagtutulungan din aniya ang mga lokal na pamahalaan at Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD para matugunan ang pangangailangan para sa pabahay na papalo sa 6.5 million housing units.

Dagdag pa ni Santos, ang suhestyon na nanggagaling sa iba’t ibang sector na maliban sa high-rise building ay kailangan maging multi-model approach.

Ibig sabihin aniya nito ay mayroon ding mga relocation, resettlements, at provision o awards ng mga public lands sa mga benepisyaryo, maliban sa community mortgage program at iba pang programa ng mga LGUs na may kaugnayan dito.

Facebook Comments