Marcos administration, tiniyak na patuloy na nagsasagawa ng paraan para maibsan ang epekto ng El Niño

Dapat na makiisa ang bawat Pilipino para mapigilan ang masamang epekto ng El Niño sa enerhiya, tubig at agrikultura.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang vlog.

Ayon sa pangulo, makakatulong sa masamang epekto ng El Niño ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente at tubig.


Inatasan naman ni Pangulong Marcos Jr., ang Department on the Interior and Local Government (DILG) na iparating sa mga Local Government Units (LGU) ang kampanya sa pag-mitigate ng impact ng El Niño gaya ng pagtitipid sa paggamit ng tubig sa bahay, car wash, pagdidilig sa mga golf course at swimming pool.

Naniniwala ang pangulo na makakatulong ito sa pagpapanatili ng supply.

Lahat aniya ay may maitutulong at lahat ay may magagawa para sa hamong dala ng makabagong panahon.

Batay sa ulat ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (DOST-PAGASA), posibleng abutin nang unang quarter sa susunod na taon ang mararanasang El Niño.

Facebook Comments