Marcos-Duterte administration, tiniyak na mas paiigtingin pa ang mga programang mag-aangat sa buhay ng mga Pilipino matapos ang panibagong survey ng Pulse Asia

Makakaasa ang publiko na lalo pang magsusumikap ang Marcos administration sa pagpapatupad ng mga programa na magpapaunlad sa buhay ng bawat Pilipino.

Pahayag ito ni Pangulong Bongbong Marcos matapos ang natanggap na 78% approval rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia PH.

80% naman ang natanggap na trust rating ng pangulo.


Sa kaparehong survey, 83% ang approval rating at 85% trust rating ang natanggap ni Vice President Sara Duterte.

Sa kaniyang maikling mensahe, nagpasalamat si Pangulong Marcos sa tiwalang ito ng mga Pilipino.

Aniya, malayo ang mararating ng suportang ito, lalo’t ito ang nagsisilbing pundasyon sa tagumpay ng mga programang inilaan ng gobyermo, para sa ikaasenso ng buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments