Marcos Economic Cabinet group, maituturing na investment grade

Itinuturing ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na “premium investment grade” ang economic team ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Recto, topnotch professionals na may hindi matatawarang kakayahan at karanasan sina incoming Finance Secretary Ben Diokno, NEDA Secretary Arsi Balisacan, Trade Secretary Fred Pascual, Budget Secretary Mina Pangandaman at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

Tiwala si Recto, na kayang kaya ng nabanggit na mga miyembro ng economic team ni Marcos na ibangon ang bansa mula sa pandemya.


Dahil dito ay kumpyansa si Recto na ang panukalang 2023 budget na isusumite ng Marcos administration sa Kongreso ay makakatugon sa kawalan ng trabaho, mahinang food security, kakulangan sa health system at krisis sa edukasyon.

Facebook Comments