Marcos, Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol kaninang madaling araw

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang babagi ng Ilocos Norte kaninang alas-3:37 ng madaling araw.

Base sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang epicenter ng lindol sa Marcos, Ilocos Norte kung saan may lalim itong 1km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang lindol sa ilang bahagi sa karatig bayan;

Reported Intensities:

Intensity IV – Marcos, Pinili, City of Batac, Sarrat, San Nicolas, Nueva Era, Bodoc, Banna, at Dingras, Ilocos Norte
Intensity III – City of Laoag, Pasuquin, Paoay, at Carasi, Ilocos Norte
Intensity II – Sinait, Ilocos Sur

Instrumental Intensities:

Intensity IV – City of Batac, Ilocos Norte
Intesity III – City of Laoag, San Nicolas, at Solsona, Ilocos Norte
Intesity II – Sinait, Ilocos Sur

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala at aftershock ang tumamang lindol.

Facebook Comments