Nanawagan si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang integridad sa kanilang hanay at ‘wag hayaang mamayani ang dishonesty at pag-abuso sa kanilang tungkulin.
Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa ika-121 police service anniversary, hinamon nito ang mga kawani ng PNP na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para maging isang public servant pero hindi dapat isinasaalang-alang o isinasakripisyo ang kanilang integridad.
Ayon pa sa pangulo, kinakailangang magkaisa ang buong pwersa ng Pambansang Pulisya para labanan ang pagkakawatak-watak at kaguluhan.
Bilang mga vanguard of peace, dapat magsilbing ehemplo ang mga pulis ng kapayapaan, pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating bansa.
Naniniwala rin ang pangulo na dahil sa malaking suporta ng taumbayan sa Pambansang Pulisya ay magtatagumpay ang institusyon, anuman ang hamon na kanilang kakaharapin.