Nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa OCTA Research 2022 elections Tugon ng Masa survey.
Sa isinagawang survey noong February 12 hanggang 17, 2022 – tinanong ang 1,200 respondent na kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino ang kanilang iboboto?
Dito ay nakakuha si Marcos ng 55 percent na boto; sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 15 percent; Manila Mayor Isko Moreno na may 11 percent, Senator Manny Pacquiao na may 10 percent at Senator Panfilo Lacson na may 3 percent.
Dinomina rin ni Davao City Mayor Sara Duterte ang survey ng OCTA sa pagkabise presidente.
Si Sara ay nakakuha ng 43 percent; sinundan nina Senate President Vicente Sotto III at Senator Francis Pangilinan na may tig-33 percent; Dr. Willie Ong na may 7 percent; House Deputy Speaker Lito Atienza na may 1 percent at Carlos Serapio na may 0.1 percent.
Ang survey ay mayroong margin of error na 3 percent.