Marcos, tinanggap na ang imbitasyon na bumisita sa China

35

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na bumisita sa China.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang imbitasyon ay ipinaabot ni President Xi sa kanyang Chinese State Council at Foreign Minister Wang Yi matapos itong makipagkita kay Pangulong Marcos Jr.

Gayunman, wala pa aniyang petsa kung kailan bibisita ang Pangulo sa China.


Nauna nang nakipagpulong si Marcos kay Wang noong bumisita ito sa Pilipinas kung saan binigyang-diin ng Foreign Minister ang kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.

Facebook Comments