MAREREGULAR? | Karagdagang 4,000 contractual employees inaasahang mareregular sa trabaho – ayon sa DOLE

Manila, Philippines – Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Dole Philippines Inc. at Dole Phil Kaugnay, na naglalayong iregular sa trabaho ang 4,765 na contractual workers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sa loob ng isang taon mula nang malagdaan ang MOA, ay mareregular ang mga empleyado.

Ayon sa kalihim, malaking bagay n nagawang isangtabi ng Dole Philippines at Dole Kaugnay ang ibang mga usapin, para sa ikareregular ng kanilang mga empleyado.


Kaugnay nito, nasa 1,962 manggagawa na rin ng Dole Phil ang una nang naregular sa kanilang mga trabaho, alinsunod na rin sa mandatong ibinaba ng Department of Labor and Employment.

Facebook Comments