MARERESOLBA | Pagpili sa Chinese Telecom, dinipensahan ng Malacañang

Manila, Philippines – Sinagot na ng Malacañang ang pangamba sa epekto sa national security ng pagpasok ng China bilang ikatlong telecommunication company ng bansa.

Posible raw kasing gamitin ito ng China sa isyu kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Siniguro naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na mareresolba agad ang mga ganitong agam-agam bago tuluyang papasukin ang Beijing-based China Telecommunications Corporation bilang ikatlong telecom carrier ng bansa.


Aminado rin si Roque na political decision ito ng pangulo matapos ang bilateral negotiations sa pagitan ng Pilipinas at China.

Dagdag pa ni Roque, hindi man magiging simple ang daraanang proseso, kumpyansa naman ang Malacañang na malalampasan nila ang mga ito para maibigay ang magandang serbisyo sa mga pilipino.

Facebook Comments