Nakamit ni Filipina skateboarder Margielyn Didal ang ikalimang pwesto sa Street League Skateboarding World Tour.
Ito na ang pinakamataas na pwestong nakamit ng isang Pilipino sa kompetisyon.
Umiskor ng 21.2 ang Cebuana skateboarder sa women’s final at nadaig ang dating world champion at five-time summer X Games gold medalist Leticia Bufoni ng Brazil (21.0).
Dahil dito, mataas ang tiyansa na makapasok si Didal sa 2020 Tokyo Olympics.
Nabatid na si Didal ang nagbulsa ng ika-apat na gintong medalya ng Pilipinas noong 2018 Asian Games at inaasahang sasabak din sa 2019 Southeast Asian Games.
Facebook Comments