Maria Corina Canoy Feeding Program, kasabay ng anibersaryo ng RMN Foundation, matagumpay na naisagawa sa Potrero Elementary School sa Malabon City

Matagumpay na naisagawa ang feeding program ng Maria Corina Canoy kasabay ng ika-13 anibersaryo ng RMN Foundation.

Libo-libong estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 6 ng Potrero Elementary School sa Malabon City ang nakisaya at nakiisa sa programa.

Ayon kay Patrick Aurelio, Corporate Social Responsibility Manager ng RMN Foundation, isa lamang ito sa mga inisyatiba ng foundation upang mabigyan ang mga estudyante ng libreng pagkain, hygiene kit, vitamins, at mga laruan sa ilalim ng programang Radyo Sustansya.

Pinasalamatan din ng RMN Foundation ang kanilang mga partner, maging si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, dahil sa koordinasyon upang maisagawa ang programa sa kanilang lungsod.

Inimbitahan din ng RMN Foundation ang lahat ng stakeholders na nais makiisa sa kanilang mga programa na makatutulong sa mga estudyante at sa publiko.

Facebook Comments