Nagpasok ng not guilty plea si Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa sa Pasig City Regional Trial Court Branch 265 hinggil sa paglabag sa anti-dummy law.
Nag-ugat ang kaso mula sa pagbenta umano ng Rappler ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa foreign-owned entity na Omidyar Network.
Sa ilalim ng anti-dummy law, pinagbabawalan ang pangingialam o pagpasok ng mga dayuhan sa pamumuno, operasyon, administrasyon o kontrol ng anumang nationalized activity.
Una nang naghain ng not guilty plea ang limang kapwa akusado ni Ressa na sina Rappler Editor Glenda Gloria at board members Manuel Ayala, Felicia Atienza, Nico Jose Nolledo at James Velasquez.
Itinakda naman sa ika-27 ng Agosto ang pagsisimula ng pagdinig.
Muli naman nanawagan si Ressa sa mga mamamahayag na manindigan at ipaglaban ang karapatan laban sa panggigipit sa malayang pamamahayag.