Maria Ressa ng Rappler, abusado – Malacañang

Manila, Philippines – Binweltahan ng Palasyo ng Malacañang ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa matapos nitong akusahan ang Pamahalaan na ginigipit siya ng Administrasyon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi ang pamahalaan ang abusado kundi si Ressa ang umabuso sa kapangyarihan bilang isang mamamahayag.

Paliwanag ni Panelo, pilit na sinasabi ni Ressa na ginigipit siya ng Administrasyon at ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa pero malinaw naman na ang kasong libel ay hindi protekrado ng constitutional right na freedom of expression.


Binigyang diin pa ni Panelo na inabuso ni Ressa ang kanyang kalayaan sa pamamahayag para atakihin ang Pamahalaan at hindi aniya niya dapat isisi sa Pamahalaan ang kasong kinakaharap dahil ito ay sarili niyang problema dahil sa paglabag sa batas.

Facebook Comments