Pinayagan ng Court of Appeals (CA) si Rappler CEO Maria Ressa na personal na tumanggap ng kanyang Nobel Peace Prize sa Oslo, Norway sa December 10.
Ayon sa CA, mahalaga ang nasabing biyahe ni Ressa dahil walang ibang option sa pagtangggap ng Nobel Peace Prize virtually.
Hindi rin itinuturing na flight risk si Ressa.
Gayunman, inatasan siya ng CA na umuwi muna ng Pilipinas mula sa Boston, USA bago siya lumipad muli patungong Oslo.
Ang travel period na binigay ng hukuman kay Ressa ay mula Dec. 8, 2021 hanggang Dec. 13, 2021 at ito ay para lamang sa pagdalo niya sa Nobel Peace Prize Award Ceremony sa Oslo.
Una ring pinayagan ng CA si Ressa na dumalo sa isang programa sa Harvard University sa Boston at pinayagan din itong madalaw ang kanyang mga magulang sa Florida.
Si Ressa ay convicted sa kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.