Maria Ressa, walang kinalaman sa artikulo tungkol kay Wilfredo Keng ayon sa opisyal ng Rappler

Nanindigan ang Rappler na walang kinalaman ang kanilang hepe na si Maria Ressa sa inilathalang artikulo noong 2012 tungkol sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

Nabatid na nag-ugat sa nasabing istorya ang paghatol kay Ressa at sa Writer-Researcher na si Reynaldo Santos na guilty sa kasong cyber libel.

Ayon kay Rappler Investigative Desk Head Chay Hofileña, ang senior writer na nasa likod ng istorya kay Keng na nakakuha ng intel report tungkol sa negosyante at nakausap ang sources ng artikulo ay namatay na.


Hindi aniya inilagay sa witness stand sina Ressa at Santos dahil ang kanilang namayapang reporter na si Aries Rufo ang humawak ng istorya.

Iginiit ng Rappler na walang malisya sa istorya kay Keng.

Sa ngayon, mayroong 15 araw sina Ressa at Santos para makapagdesisyon sa susunod nilang hakbang kasunod ng kanilang pagkaka-convict.

Facebook Comments