Marian Bassit, Napaiyak!

Baguio, Philippines – Hindi naiwasang maiyak ni Marian Bassit nang gampanan niya ang karakter ni “Merly” sa i Confessions na inere noong Hunyo 20, 2018.

 Ang karakter ni Merly sa kuwento ay isang ina na namatayan ng anak hanggang sa napagtanto niyang sa sobrang pagluluksa niya ay nakalimutan na niyang may isa pa siyang anak na umaasa sakanya.

Ayon kay Marian ay naalala niya  ang kaniyang ina na hindi niya madalas makita at makasama dahil nakatira sila malayo sa kanya kaya hindi niya napigilang umiyak sa kalagitnaan ng radio drama, gayunpaman ay hindi pa naman daw niya naranasan ang mawalan ng kapatid.


iDOL, mapapanood ang i Confessions sa official Facebook Page ng 103.9 iFM – @iFMBaguioOfficial.

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments