Marian Rivera-Dantes, napiling maging judge sa Miss Universe 2021

68

Napili ang aktres na si Marian Rivera-Dantes na maging isa sa mga judge ng 70th Miss Universe pageant na gaganapin sa Disyembre 12 sa Israel.

Ayon kay Marian, grabeng excitement ang naramdaman niya nang matanggap ang good news.

Isa raw na karangalan ito at nagpapasalamat siya bilang bahagi ng selection committee.


Nakatakdang bumiyahe sa Israel ang aktres sa Disyembre 6 kung saan may ilang aktibidad itong lalahukan bago ang grand coronation.

Magiging pambato ng Pilipinas si Beatrice Gomez na unang openly out member ng LGBT+.

Facebook Comments