Marian Rivera, ipinakita ang post-baby body matapos isilang ang pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes

Nag-viral ngayon sa social media ang unang litrato na ipinakita ng aktres na si Marian Rivera , isang buwan matapos nitong isilang ang pangalawang anak nila na aktor na si Dingdong Dantes.

Sa post-baby look ni Marian sa Instagram, makikita na naging slim agad ang aktres kaya naman maraming netizens ang humanga sakanya.

Say pa ng mga fans ng aktres, fresh at blooming si Marian Rivera kahit bagong panganak lang ito.


Dagdag pa ng mga netizens, kitang-kita ang mga eyebags ng aktres ngunit sadyang maganda talaga si Marian at parang hindi ito nanganak.

Say naman ni Marian, na focus muna siya sa pag-aalaga sa kanyang baby boy na si Ziggy bago ito bumalik sa trabaho.

 

 

Facebook Comments