Marian Rivera, pasok sa 2020 Forbes Asia’s Digital Star List

98

Pasok ang aktres na si Marian Rivera sa Forbes Asia’s Digital Star List bilang isa sa ‘Most Influential’ personalities sa social media.

Pinili ang mga pasok sa listahan base sa social media reach at engagement base sa kanilang trabaho, adbokasiya, brand endorsement, business endeavors at mga pagkilala mula sa local, regional at international level.

Sa kasalukuyan, nasa sampung milyon na ang followers ni Marian sa Instagram at higit 23 milyon naman sa Facebook.


Maliban kay Marian, pasok din sa listahan ang mga foreign celebrities na sina Mario Maurer ng Thailand, Lee Min Ho at BTS ng South Korea at si Rebel Wilson ng Hollywood.

Facebook Comments