Marian Rivera, susubukan muli na magpapayat para sa kaniyang next TV project

Instagram/ Marian Rivera

Ipinahayag ni Marian Rivera na sinusubukan niyang maging ‘fit’ matapos manganak sa kaniyang ikalawang anak na si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV nitong Abril.

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, pinaghahandaan na niya ngayon ang kaniyang TV comeback.

Sa ekslusibong panayam sa taping sa Tadhana, drama- anthology show sa GMA, ibinahagi ni Marian kung paano siya nagbabawas ng timbang o postpartum weight.


“Naku, ang hirap sabihin basta isa lang ang alam ko, kumakain ako ng healthy,” ani Marian.

“Healthy-living ako. Pangalawa, nagpapa-breastfeed kasi ako ‘eh. Sabi nila mabilis daw makapayat ‘yun,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Marian na hindi pa siya bumabalik ng work-out dahil nagpapa-breastfeed pa siya kay Ziggy.

“Yun lang hindi pa ako nag-eexercise ulit eh. Oo kasi may newborn baby ako so dapat lahat ng kinakain ko healthy talaga kasi ‘yun din ‘yung dini-dede niya so kailangan healthy lahat,” aniya.

Wala pa naman detalye ukol sa susunod niyang proyekto sa network.

Nagpakasal sila Marian Rivera at Dingdong Dantes noong Disyembre 30, 2014. Ang kanilang unang anak na si Maria Letizia “Zia” Dantes ay ipinanganak noong Nobyembre 23, 2015.

Facebook Comments