
Nilinaw ng Maricaban Police Station na nasa ospital pa ang lalaking pinagbabaril kaninang umaga sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa Pasay City Police, isang 44-taong-gulang na pinaghihinalang tricycle driver ang biktima.
Anim na basyo ng bala ang nakuha sa crime scene, na naka-kordon na ngayon ng mga awtoridad.
Inaalam pa ng mga pulis ang lalim at motibo ng pamamaril.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon matapos mahuli ang suspek sa isinagawang follow-up operation; binabantayan rin ang lagay ng naturang indibidwal matapos matagpuang duguan
Facebook Comments









