Mariel De Leon, relax lang sa nalalapit na Miss International Pageant

Manila, Philippines – Kung pressured para sa nalalapit na Miss Universe Pageant ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters, relax na relax naman si Mariel De Leon para sa Miss International Pageant.

Sa mga online post ng beauty queen, mapapansing enjoy lang siya sa training sa Japan kung saan din gaganapin ang coronation night.

Kasabay kasi ng training, nakakapamasyal din sa Tokyo si Mariel kasama ang ibang mga kandidata.


Sa November 14 na ang coronation kung saan kasalukuyang titleholder nito ang pinay beauty queen rin na si Kylie Verzosa.

Sakaling manalo ang anak nina Christopher De Leon at Sandy Andolong, ito na ang ika-pitong Miss International Crown ng Pilipinas.

Masundan kaya ang back-to-back win nina Miss Earth 2017 Karen Ibasco at 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez?

Facebook Comments