Mariel Padilla, proud sa resulta ng kaniyang weight loss journey

Very happy ang aktres/host na si Mariel Rodriguez Padilla sa resulta ng kaniyang weight loss journey.

Sa kaniyang Youtube vlog, ibinahagi ni Mariel na nagsimula siya sa timbang na 197 lbs o katumbas ng halos 90 kilograms.

Pero dahil sa kaniyang determinasyon at disiplina, 155 lbs na lamang ang aktres kung saan higit 40 lbs na ang nabawas sa kaniya.


Nakatulong din daw sa kaniyang pagpapapayat ang pagtigil sa pagpapa-breastfeed sa kaniyang 1 year and 4 months baby girl na si Gabriela pero tiniyak na nakapag-imbak siya ng breastmilk na sasapat sa pangangailangan nito.

Sa huli, nagbigay ng payo si Mariel sa mga taong nais rin magpapayat na maging determinado sa pag-abot ng mga bagay na iyong gusto.

Facebook Comments