Mariel Rodriguez, sinagot ang isyung buntis na naman siya!

Nagsalita na ang TV host-vlogger na si Mariel Rodriguez matapos siyang mapagkamalang buntis na naman.

Nabatid na nitong November 2019 lang kasi, nanganak si Mariel sa bunso nila ng aktor na si Robin Padilla na si baby Maria Gabriela.

Pero sa vlog na ina-upload ni Mariel kamakailan, halatang nagulat siya sa komento ng isang netizen.


Sa YouTube, nag-comment ang netizen na buntis uli si Mariel.

Sagot ng aktres, “Hindi ba pwedeng mataba lang, kailangan ba buntis na agad?”

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na pinuna ng netizens ang post-pregnancy weight ni Mariel.

Sa cooking vlog niya nitong May 3, 2020, inunahan na ni Mariel ang body-shamers na inaasahan niyang magkokomento na naman tungkol sa kanyang timbang.

Facebook Comments