Marijuana, binibenta online!

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA na sa internet ibinibenta ng 18 anyos na lalaki ang panindang iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si John Emmanuel Aquino residente ng Cainta Rizal.

Ayon sa PDEA Rizal, alas 9;15 nagsagawa sila ng buy bust operation sa Imelda Ave.


Dito na nahuli si Aquino na aminadong sa kanya ang mga marijuana.

Kabilang sa nakumpiska ang 182 na pakete ng marijuana isang large pack na marijuana na may timbang na 500 grams.

Nag kakahalaga ito ng 25k pesos.

Kasong paglabag sa republic act 9165 ng sec. 5 ang kaso ng suspek, ibigsabihin habang buhay makukulong ang 18-anyos na si Aquino kapag napatunyan na sya ay nagbebenta ng iligal na droga

Facebook Comments