Marijuana, ginagawang "tsongkilate"

Laguna – Naaresto na ng mga otoridad ang supplier ng marijuana na ginagawang tsongkilate sa Siniloan, Laguna.

Ayon kay P/ Supt. Vic Cabatingan, hepe ng Laguna Intelligence Branch, kasama ang suspek na si Marty Consignado sa drug watch list ng Siniloan.

Nakuha sa kaniya ang isang kalibre 32 na baril, limang bala at ilang sachet ng marijuana at shabu.


Ine-examine na ang cellphone ng suspek para matukoy ang iba pa niyang kasamahan at sinusuplayan ng droga.

Facebook Comments