Marijuana, ginamit ng isang mambabatas sa pagsipsip kay Pangulong Duterte ayon sa isa pang mambabatas

Manila, Philippines – “Sipsip-pation” ang katagang ginamit ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa pagsulong ni Isabela Representative Rodolfo Albano sa pagsasabatas ng legal na paggamit ng marijuana.

Sa ginanap na forum sa kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Atienza bukod sa sumisipsip umano si Albano kay Duterte, binanggit din ng mambabatas na posibleng negosyo ang dahilan kung bakit isinusulong ang planong i-legalize ang paggamit ng marijuana bilang medisina.

Nakarating din kay Atienza ang ulat na mayroon ng nakalatag na plantasyon ng ekta-ektaryang marijuana sa Isabela kung saan pinangambahan ng mambabatas na dadami na ang adik sa bansa kapag tuluyan nang maisabatas ang paggamit ng marijuana bilang isang medisina.


Hinamon din ng mambatas si Albano na patunayan at maglatag ng mga ebidensiya na ang paggamit ng Marijuana ay makagagaling sa isang taong maysakit.

Facebook Comments