MARIJUANA KUSH, NAKUMPISKA SA ISANG LALAKI SA CAUAYAN CITY

Cauayan City – Nakayuko at hindi makaiimik ang isang lalaki matapos itong maaresto sa isinagawang Anti-Illegal Drug buy-bust operation kahapon ika-24 ng Hulyo, sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Berto”, 25 anyos, residente ng nabanggit na Barangay.

Naaresto ang suspek matapos nitong mabentahan ng isang pakete na naglalaman ng hinihinalang Marijuana Kush ang awtoridad na nagpanggap na buyer.


Bukod pa rito, nasamsam din sa pag-iingat ng suspek ang P1500 na buy-bust money, cellphone, ID, at motorsiklo nito.

Sa pakikipanayam ng iFM News Team sa suspek, aminado itong gumagamit umano siya ng Marijuana, ngunit ito umano ang unang beses na sinubukan niyang magbenta.

Samantala matapos ang tagumpay na operasyon, dinala sa himpilan ng Cauayan City PS ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments