Pinaboran ng 53 member states ng United Nation Commission on Narcotic Drugs (CND) noong Miyerkules para i-reclassify ang marijuana bilang ‘less dangerous drug.’
Ito ay matapos i-review ng komisyon ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na tanggalin ang marijuana mula sa Schedule IV ng 1961 Single Convention on Narcotic Drugs.
Ang mga substance na nakalista sa Schedule IV ay itinuturing na “highly addictive at highly liable for abuse” at “particularly harmful” at mayroong “extremely limited medical or therapeutic value”
Pero ang Marijuana ay nakapaloob pa rin sa Schedule I ng 1961 convention kung saan mangangailangan ng prescription na i-isyu ng government authorities at authorized professional associations.
27 member states ang pumabor sa reclassification, 25 ang tumutol at isa ang abstention.
Ang UN CND ang policy making body ng United Nations system na may pangunahing responsibilidad sa mga paksang may kinalaman sa droga.
Sa ngayon, aabot na sa higit 50 bansa sa mundo ang nag-adopt ng medicinal marijuana program habang ang ibang bansa gaya ng Canada, Uruguay at 15 estado sa US na ginawang legal ang recreational use nito.