Marijuana plantation sa Kalinga, sinira ng mga awtoridad

Sinira at sinunog ng pinagsanib pwersang Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) kasama ang 1503rd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 15, Isabela West Provincial Intelligence Team, Regional Intelligence Unit 2 at Tabuk City Police ang 5,200 sqm na taniman ng Marijuana sa Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa PNP-DEG nasa 52,000 piraso ng fully grown marijuana plants na may estimated standard drug price na P10.4M ang kanilang sinira at sinunog.

Sa nasabing operasyon, bigo ang mga awtoridad na madakip ang Marijuana cultivator.
Kasunod nito, hinikayat ng Pambansang Pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masawata ang ilegal na droga sa bansa.


Facebook Comments