Pinagsisira ng Philippine National Police (PNP) kasama ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P14.3-M halaga ng fully-grown marijuana plants sa Cordillera Region.
Ito ay matapos ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula sa Nobyembre 13 hanggang 30.
Sa nasabing SACLEO, nakapagsagawa ng 19 na police operations na nagresulta sa pagsira sa 71,105 fully-grown plants at 2,100 marijuana seedlings.
Samantala, nagsasagawa na ang PNP ng manhunt operations laban sa marijuana cultivators at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naaresto.
Facebook Comments