Marikina at Antipolo Stations ng LRT-2, bubuksan sa Abril

Asahan na ang maginhawang paglalakbay ng mga pasahero mula sa eastern side ng Metro Manila dahil magsisimula ang operasyon sa Abril ang dalawang bagong istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera, ang East Extension Project ay 93.42% nang tapos mula nitong January 31.

Ang Emeral Station sa Marikina at ang Masinag Station sa Antipolo ay magkakaroon ng soft opening sa April 26 at agad sisimulan ang operasyon sa sumunod na araw.


Ang proyekto ay hinati sa tatlong phase – una ay ang konstruksyon ng eastbound at westbound viaducts, pangalawa ay ang disensyo at pagtatayo ng mga istasyon.

Ang ikatlong phase ay ang electro-mechanical system, pagkakabit ng riles, power supply, telecommunications at signaling system.

Ang proyekto ay 13.8 kilometer extension ng LRT-2 na may dalawang dagdag na istasyon patungong Masigag Junction sa Antipolo.

Kapag natapos ang proyekto, ang biyahe mula Recto Avenue sa Maynila hanggang Masinag ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong oras sakay ang bus o jeepney.

Facebook Comments