Naniniwala ang pamunuan ng Marikina City Government na madaling matukoy kung sinu-sino ang nakakasalamuha sa 109 na kumpirmadong nag-positibo COVID-19 kung gagamit na Link Map sa F. Manalo Street Barangay Nangka na isinailalim sa lockdown ng lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro mas madaling matukoy agad kung gagamit sila ng Link Map upang malaman kung sinu-sino ang nakakasalamuha ng nag-positibo sa mga pasyenteng may taglay na COVID-19 kung saan mayroong bagong kasong natuklasan sa Barangay Nangka, na matataong lugar kaya’t isinailalim agad ng Alkalde sa lockdown ang naturang lugar.
Paliwanag ni Mayor Teodoro na ang lockdown ay isang precautionary measure upang tumigil na ang pagkalat ng COVID-19 at mabigyan ng kaligtasan ang publiko.
Giit ng Alkalde mayroong 50-meter radius na quarantine area na ginagawa buhat doon sa bahay ng kung saan may nag-positibo sa COVID-19 at ang F. Manalo ay nasa ilalim ng quarantine para sa 24 oras at magtuloy-tuloy hanggang matapos ang contact tracing at magawa ang testing.
Dagdag pa ni Teodoro na katulong nila ang Barangay sa contact tracing dahil mas kilala umano ng Barangay ang mga taong nakatira sa lugar kung saan binigyan nila sila ng tamang protocol at guidelines kung ano ang dapat gawin hindi lamang para maging ligtas sila kung hindi kung paano epektibo at episyente na maipatutupad ang kanilang mga quarantine measures sa F. Manalo Street Barangay Nangka Marikina City.