Titiyakin ng Marikina City Government na gawing Zero-Fire Cracker injuries ang Holiday Season ngayong taon alinsunod sa direktiba ng DILG.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro ipapatupad nila ang polisiya sa paggamit ng mga fire crackers at iba pang pyrotechnic devices upang maging Zero-Fire Crackers injuries ngayong pagsalubong ng Bagong Taon.
Paliwanag ng alkalde kailangang imonitor at ipatupad ang direktiba ng DILG tungkol sa paggamit ng mga paputok dahil naìs nito na walang mapahamak at maging ligtas at payapa ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Dagdag pa ni Teodoro Mandato ng mga LGUs na protektahan ang kanilang mamamayan, itaguyod ang kapakanan at tiyaking naipapatupad ang Fireworks-Related Local Ordinances.
Facebook Comments