Marikina City Government, ipinagbabawal ang paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon

Ipinag-utos na ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pagbabawal sa paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices sa lungsod para sa kaligtasan at seguridad ng Marikenyo ngayong nararanasan ng lahat ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Teodoro, ipinagbabawal muna ang pagpaputok at taunang pagsasagawa ng community-based fireworks display at concert ngayong taon upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Taon-taon ay nagsasagawa ng community-based fireworks display ang lungsod ng Marikina kung saan libo-libong tao ang nagtitipon upang masilayan ang iba’t ibang kulay sa himpapawid.


Giit ng alkalde, ang naturang kautusan ay alinsunod na rin sa pagtalima sa Resolution No. 19 ng Regional Peace and Order Council na inadapt ang rekomendasyon na nagbabawal ng paggamit ng paputok sa National Capital Region ngayong Bagong Taon.

Facebook Comments