Marikina City Government, magsasagawa ng tree planting pagkatapos ang Barangay Peace and Order Council

Naniniwala ang pamunuan ng Marikina City Government na napapanahon na ang bawat isang Marikeño ay magkaisa na sa pamamagitan ng pagtatanim upang makatulong sa mga nangyayaring pagbaha kapag bumuhos ang malakas na ulan sa lungsod.

Pangungunahan nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/Maj. Gen. Vicente Danao Jr. at Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Matthew Baccay ang pagsasagawa muna ng Barangay Peace and Order Council Summit mamayang ala-1:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon sa Sto. Niño Elementary School, Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Tatalakayin dito kung papaano mapanatiling maayos at mapayapa ang lungsod sa pakikipagtulungan ng barangay opisyal at mamamayan ng Marikina City.


Pagkatapos ang Peace and Order Council Summit ay magsasagawa naman ng tree planting mamayang alas-4:30 ng hapon sa Youth Camp, Brgy. Jesus Dela Peña, Marikina City.

Layon ng tree planting upang maprotektahan ang mga pagbaha sa lungsod dahil sasaluin ng mga punong kahoy ang tubig ulan na bumabagsak sa lungsod.

Facebook Comments