Marikina City Government, nag-abiso sa mga motorista sa rehabilitasyon ng Marcos Bridge

Nag-abiso ang Marikina City Government hinggil sa gagawing rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa East Bound Lane ng Marcos Bridge sa Marcos Highway.

Ayon sa Marikina City Public Information Office, planuhin daw maigi ng mga motorista ang kanilang ruta dahil siguradong bibigat ang daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.

Kabilang sa inaasahang pagsikip ng trapiko ay sa bahagi ng A. Bonifacio Avenue at sumulong highway kaya’t habaan muna ng mga motorista ang kanilang pasensiya at pang-unawa.


Nagkataon din daw na isasagawa nila sa araw na iyon ang taunang Lubluban Festival kaya’t ilang kalsada ang apektado ng nasabing aktibidad at magsisimula ito ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Bunsod nito, magdadagdag sila ng mga traffic personnel para gabayan ang mga apektadong motorista at mapanatili nila ang kaayusan sa daloy ng trapiko sa marikina.

Facebook Comments