Handang-handa na ang mga doktor upang tugunan ang lahat ng mga katanungan ng mga residente ng Marikina City na hinihinalang may taglay na COVID-19.
Pangungunahan mismo ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, ang pagpapasinaya sa pakikipagtulungan ng TeleHealth Pilipinas, na siyang mangunguna sa gagawing TeleHealth Program sa Marikina City ngayong araw.
Naka-istambay at handang handa na umaksyon ang mga Doctors sa TeleHealth Room sa lungsod ng Marikina City uoang tugunan ang lahat ng mga nagnanais na magtanong tungkol sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Paliwanag ng alcalde, mahalaga umano na agad malaman ng mga residente ng Marikina City kung positibo na sila ng nakamamatay na virus.
Facebook Comments