Marikina City, pinabulaanan ang napaulat na may 4 na menor de edad na nawawala sa Marikina

Nilinaw ng Marikina City Government na walang katotohanan ang mga lumabas na ulat sa social media hinggil sa sinasabing sapilitang pagtangay sa apat na menor de edad sa Marikina.

Ayon sa Marikina Local Government Unit (LGU), batay sa imbestigasyon ng Marikina Police, ang apat na bata na sinasabing dinukot sa Barangay Malanday ay inanyayahan lamang sa isang bible study nang hindi nagpapaalam sa kanilang mga magulang.

Habang ang mga napaulat anila na nawawala sa Parang at Marikina Heights ay umalis sa kanilang mga tahanan.


Nilinaw rin ng Marikina LGU na Lahat ng mga batang naiulat na nawawala ay ligtas at nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan.

Iniimbestigahan na rin anila ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling balita kabilang na ang isang barangay captain na nag-report nito.

Facebook Comments