Marikina City Government pinalalakas ang Shoe Tech Course at Technical Courses

Hinikayat ni Marikina City Government Marcelino Marcy Teodoro na maaari nang makapag Enrol ng Shoe Technology Course at iba pang Technical Courses sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina ang mga eatudyante.

Ayon kay Marikina City Mayor Teodoro nagkaroon ng kasunduan ang Marikina City Government at ng TESDA na pwede kumuha ng iba pang courses na alok ng Pamantasan kabilang ang Caregiving at Bread and Pastry.

Paliwanag ng alkalde ang pagsama ng ibang kurso ay lalong magpapalakas sa industriya ng sapatos sa Marikina at pag-unlad ng mga kasanayan ng mga residente sa Lungsod.


Nakasaad din sa MOA na magbibigay ng Training ang TESDA sa lahat ng kawani ng Marikina City Hall.

Aasistihan din ng TESDA ang City Government para sa Accreditation ng City Engineering Unit para maging Assessment Center at Training Service Provider para sa inaalok na kurso na may kaugnayan sa Engineering at Automotive.

Facebook Comments