Pinalalakas ngayon ng Marikina City Government ang contact tracing efforts upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, ini-adopt nila ang strategy na minungkahi ni Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sa katunayan umano, bago magkausap sila ni Mayor Magalong, tatlo lamang ang kanilang contact tracing team.
Ngayon, base sa computation na ibinigay nila sa kaniya, nag-increase sila kung saan may sampu na silang contact tracing team.
Paliwanag ng alkalde, ang 1:35 ratio ng isang positive para makapag-contact trace sila ng 30 hanggang 35 indibidwal ay nagagawa na ng Marikina City Government.
Giit pa ni Mayor Teodoro, ang pinakamarami nilang na-test noong nakaraang linggo, sa average na 800 mayroon umano silang 1,000 na tests naisagawa sa isang araw base sa kanilang aggressive contact tracing.