Tiniyak ng Marikina City Government na pananagutin ang organizer ng drone show matapos na mag-display ng baliktad na formation ng bandila ng Pilipinas o asul ang nasa ibaba at pula ang nasa itaas.
Base sa proper flag formation, dapat ang pula ang nasa ibaba na ibig sabihin ay nasa state of peace o kapayapaan habang kapag asul naman ang nasa ibaba ay nasa state of war ang bansa o kaguluhan.
Depensa ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa pagsasampa ng kaukulang kaso ay para matukoy ang mga legal na pananagutan ng kompanya kasama na rin ang mga kalakip na kaparusahan at multa.
Hindi naman necessary kasi may posibilidad na nagkamali dahil sa mga circumstances, sa katunayan ang paliwanag dito ng DroneTech Philippines ay hindi sila nagkaroon ng oras para itest ang drone dahil sa magkakasunod ng sama ng panahon.
Aminado ang DroneTech at humingi na sila ng tawad sa publiko at sa buong Pilipinas dahil hindi naman ito sadya.